Efren Peñaflorida Ang Bayani Ng Taon 2009
Si Efren “Kuya Ef” Penaflorida ay itinanghal na “2009 CNN Hero Of The Year“. Ang parangal ay iginawad sa kanya nuong nakalipas na Nobyembre 22, taong kasalukuyan. Iginawad sa kanya ito ni CNN’s Anderson Cooper sa pagtatapos ng ikatlong-taunang “CNN Heroes: All-Star Tribute” sa Kodak Teatro sa Hollywood.
Personal Na Impormasyon At Buhay Ni Efren Peñaflorida
Si Efren Geronimo Peñaflorida Jr o mas kilala sa tawag na Kuya Ef at pinanganak noong Marso 5, 1981. Siya ay isang guro dito sa Pilipinas.

Efren Penaflorida At Ang Kariton Klasrum
Siya ang panggitnang anak nina Efren Peñaflorida Sr na isang traysikel driver, at Lucila Geronimo, isang butihing maybahay. Ang kanilang pamilya ay may isang maliit na negosyong nagtitinda ng pansit na siyang nagtutustos sa kanilang pangangailangan sa araw araw. Si Efren ay lumaki sa isang urban na lugar ng mga dukha malapit sa isang bukas na tambakan ng basura sa siyudad ng Kabite. Naranasan niyang maglaro sa gitna ng basura at maligo sa maduming dagat o tubig. Madalas din siyang inaapi nuong siyay musmos pa lamang. Siya ay isa sa mga iskolar nang World Vision nuong mga panahong yaon.
Itinatag niya ang Dynamic Teen Company (DTC) nung sya ay nasa edad na 16 taong gulang pa lamang. Nagsimula ang kanyang grupo sa bilang ng 20 kasapi. Ang kanilang pangunahing layunin ay ang pagbibigay sa mga kabataan ng mga proyektong pangkamalayan, talento at pag-unlad ng mga gawain, at mga serbisyo. Sila ay nakipagtulungan sa Club 8,586 na isa ring pribadong organisasyon na may parehong layunin sa kanilang lugar.
Ang DTC ang nagpasimuno at nagsimula nang ideyang “kariton klasrum”, kung saan ang kariton ay ginawang lagayan ng mga materyales sa paaralan tulad ng libro, panulat, mesa, at upuan, at pagkatapos ay ginagamit sa araw ng Sabado upang ilapit sa mga kabataan ang orihinal na ideya and idelohiya ng paaralan sa mga mahihirap na lokasyon tulad ng mga nakatira sa sementeryo o malapit sa tambakan ng basura.
Ngayon, ang katiron klasrum ni Kuya EF ay patuloy na nagtuturo sa mga batang lansangan ng pangunahing pagbabasa at pagsusulat.
Nang siya ay matanghal na Bayani Ng Taong 2009 ng CNN, si Efren Penaflorida kasama ang Dynamic Teen Company at sampu ng kanyang mga ka miyembro ay ginawaran ng halagang 100,000 dolyar upang masuportahan pa at palawigin ang kanilang proyekto di lamang sa loob ng Kabite, kundi, sa iba pang karatig lugar o pook.
Mensahe Ni Efren Nang Matanghal Na Bayani ng Taon ng CNN
Siya din ay ginawaran ng parangal na tinatawag na “Order Of Lakandula“, isang mataas na parangal para sa isang Filipino, na iginawad ng Pangulo ng Pilipinas.
Si Kuya Efren ay isang mabuting halimbawa ng isang Filipino. Maraming tao ang kanyang natulungan hindi lamang sa pagtuturo sa mga bata, kundi sa pagbibigay ng inspirasyon sa buong mundo. Isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy na sumisikat at Sikat ang Pinoy!.
Mabuhay ka kuya Efren! Salamat sa iyo!
Sa mga karagdagang impormasyon, puntahan ang mga sumusunod na websayt.
Pushcart Educator Named CNN Hero Of The Year
Pahina sa Wikipedia Ni Efren Penaflorida
Order Of Lakandula Award For Efren Penaflorida